End User License Agreements (EULA)
Philippines
Download
Here you will find our EULAs. If you have any further queries please head over to our FAQ section or contact us.
Other EULAs
Kasunduan ng user para sa paggamit ng Mobile application na CredoApp
Bersyon 1, nabago noong Oktubre 7, 2018
Ang Kasunduan ng User na ito (mula rito ay tinutukoy bilang "Kasunduan") ay kumokontrol sa mga kaugnayan
sa pagitan ng CredoLab Pte. Ltd., isang legal na entity na nakarehistro sa Singapore (mula dito ay tinutukoy
bilang "CredoLab", o kami, kung naaangkop), at ikaw, ang end-User Mobile Application na CredoApp (mula
dito ay tinutukoy bilang "Mobile Application"), kung saan ang bawat isa ay tinutukoy bilang "Partido", at
magkasama bilang " Mga Partido".
Sa pamamagitan ng pag-download at pag-install sa Mobile Application sa iyong mobile phone, tablet o iba
pang mga portable device (ang iyong "Mobile Device") at pagsisimulang gamitin ang Mobile Application,
kinukumpirma mo na nabasa mo nang buo, nauunawaan ang Kasunduan sa ibaba, sumasangy-ayon at
tinatanggap nang walang kundisyon ang lahat ng mga termino nito, susunod sa mga ito at mananagot para
sa paglabag nito.
Ibinibigay sa iyo ang karapatang gamitin ang Mobile Application tangi lang pagkatapos mong mabasa at
tanggapin nang walang kundisyon ang mga termino ng Kasunduang ito at ang Mga Nauugnay na Dokumento.
Ang mga annex sa Kasunduan na maaaring dumagdag sa mga probisyon nito at sa aming Privacy Notice na
makikita sa https://www.credolab.com/privacy-policy ay bumubuo sa "Mga Nauugnay na Dokumento".
Hindi mo maaaring simulan o patuloy na gamitin ang Mobile Application kung hindi ka sasang-ayon o tatanggin
tanggapin ang anuman sa mga termino sa Kasunduan o isa sa Mga Nauugnay na Dokumento.
Nangangahulugan ang simula ng iyong paggamit ng Mobile Application sa iyong Mobile Device ng pagtanggap
mo sa Kasunduan at Mga Nauugnay na Dokumento at pagtanggap sa mga termino ng mga ito. Kahalintulad
nito, ang patuloy na paggamit sa Mobile Application sa iyong Mobile Device pagkaraan ng anumang pagupdate
ng mga termino ng Kasunduang ito at/o ang Mga Nauugnay na Dokumento ay nangangahulugan na
tinatanggap mo ang na-update na bersyon ng Kasunduan at Mga Nauugnay na Dokumento.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa anuman sa mga termino o mga na-update na termino ng Kasunduan o Mga
Nauugnay na Dokumento, (tulad ng naaangkop), o kung magpasiya ka sa hinaharap na hindi mo gustong
sumunod sa anuman sa mga termino sa Kasunduan o Mga Nauugnay na Dokumento, maaari mong piliing iuninstall
ang Mobile Application.
1. Mga Termino at kahulugan
Ang mga terminong ginamamit sa Kasunduang ito ay may sumusunod na kahulugan:
Ang "Ikaw" o "User" ay isang indibidwal na kumikilos sa kaniyang sariling interes at may kinakailangang legal
na kapasidad na gamitin ang Mobile Application at para magpasiya at ipatupad ang Kasunduang ito.
Nangangahulugan ang "Teritoryo" bilang ang teritoryong itinakda sa Bahagi 1(a) ng Annex.
Ang "Mga Pinansyal na Institusyon" ay mga tao na nagbibigay ng serbisyong pinansyal alinsunod sa batas
na ipinapatupad sa Teritoryo, gayundin sa mga tagapamagitan sa market ng mga pinansyal na serbisyo sa
Teritoryo, kabilang ang mga bangko, iba pang mga institusyon sa pautang, mga microfinance na institusyon,
mga credit broker, at iba pang kahalintulad na mga entity.
2. Pumapailalim sa Kasunduan
2.1. Alinsunod sa Kasunduang ito, ibinibigay sa iyo ng CredoLab, ang User, ang karapatang i-install at
gamitin ang isang kopya ng Mobile Application sa isang Mobile Device ng User sa mga sumusunod na
termino: -
(a) isang simple (hindi eksklusibong) lisensya para magamit tangi lang sa Teritoryong tinukoy sa
Kasunduan, hangga't nakakatugon ang User sa mga kundisyon sa Kasunduan at Mga Nauugnay
na Dokumentong ito;
(b) tanging sa isang Mobile device lang ng User na may mga kinakailangang teknikal na katangian
at karapatang gamitin ang Mobile Application na naka-isntall sa ganitong paraan alinsunod sa
functionality na tinukoy sa Clause 3 ng Kasunduan. May karapatan ka rig mag-download at maginstall
ng mga update at mga na-upgrade na bersyon ng Mobile Application na available anumang
oras para sa iyong Mobile Device sa mga awtorisadong store ng software, kabilang ang sa
Google Play at sa Apple Store;
(c) ang di-eksklusibong lisensyang ibinigay sa iyo para gamitin ang Mobile Application ay gagamitin
lang tanging para sa personal na mga layunin. Walang karapatan ang User na gamitin ang Mobile
Application para sa mga layuning komersyal, kabilang ang ngunit hindi limitado sa, pagbibigay
ng mga serbisyo sa ikatlong partido;
(d) Sa pamamagitan ng paggamit sa Mobile Application sa iyong Mobile Device, sumasang-ayon ka
at kinikilala mo na pag-aari mo ang Mobile Device at ginagamit mo tanging para sa mga personal
na layunin at hindi ginagamit sa pag-store at paglilipat ng impormasyon na pag-aari ng iyong
employer o ibang legal na entity at iyong maaaring magresulta sa impormasyon ng limitadong
pag-access, kabilang ang sikreto sa pangangalakal ng iyong employer o iba pang legal na entity,
ayon sa pagkakasunud-sunod;
(e) Wala kang karapatang itakda ang iyong mga karapatan at / o pananagutan sa ilalim ng
Kasunduan sa mga ikatlong partido at maaari mong gamitin ang Mobile Application na nakainstall
sa iyong Mobile Device nang personal;
(f) walang karapatan ang User na gumawa ng mga pagkilos na maaaring humantong sa paglabag
o pag-malfunction ng Mobile Application, at hindi rin niya maaaring suriin ang object o program
code, i-decompile, i-disassemble ang Mobile Application para makakuha ng access sa
impormasyon tungkol sa mga algorithm at pamamaraang ginamit ng CredoLab at ang
nasasakupang komersyal na sikreto nito. Wala ring karapatan ang User na baguhin ang Mobile
Application o gumawa ng mga produktong mula dito batay sa Mobile Application o mga bahagi
nito;
(g) Sa kaso ng paggamit sa Mobile Application sa anumang paraang hindi inilaan o hayagang
ipinagbabawal ng Kasunduang ito o sa mga angkop na Apendix, ire-reimburse ng user User ang
CredoLab, ang iba pang Mga User at iba pang mga ikatlong partido, ang anumang kawalang
nangyari may kinalaman sa mga pagkilos ng User, kabilang ang paglabag sa Kasunduang ito,
mga intellectual property right at iba pang mga karapatan. ANG MGA NABANGGIT NA
PAGKILOS AY ANG MGA WALANG KUNDISYONG BATAYAN PARA SA AGARANG
PAGWAWAKAS NG KASUNDUANG ITO.
2.2. Pinapagtibay ng Kasunduan ang mga pangkalahatang kundisyon para sa paggamit ng Application. Ang
Mga Nauugnay na Dokumento kasama ng Kasunduan ay ang bumubuo sa kabuuang kasunduan sa
pagitan ng User at CredoLab, kung saan ang mga termino ay legal na nalalapat sa User, at
kinakailangang tanggapin at isagawa ng User para sa pagsisimula at patuloy na paggamit ng Mobile
Application.
2.3. Malibang inilaan ng Kasunduan o ng naaangkop na Annex, bibinigay ang karapatang gamitin ang
Mobile Application sa User nang walang bayad.
2.4 Sumasang-ayon ang CredoLab na mapailalim sa angkop na mga batas sa proteksyon ng data tulad
ng itinatakda sa a Bahagi 1(b) ng Annex.
3. Pagkolekta at Pagproseso ng Data
3.1 Sumasang-ayon ang User na ang Mobile Application ay maaaring mag-access at magproseso ng
anumang impormasyon sa Mobile Device ng User sa tanging pagpapasiya ng CredoLab, maaaring
gamitin sa pagsusuri sa solvency ng at/o pagsusuri sa mga interes ng User sa pagkuha ng mga
serbisyong pinansyal, hangga't ang impormasyon ay hindi ibinubunyag sa CredoLab nang walang
pahintulot ng User.
3.2 Ang mga kategorya ng impormasyon na maaaring iproseso ng Mobile Application alinsunod sa sugnay
3.1 sa itaas ay kinabibilangan ngunit hindi limitado sa mga numero ng ID ng device ng User, history ng
pagtawag, history ng SMSy, history ng browser, mga contact, mga kalendaryo, listahan ng application,
data ng lokasyon, at storage. Parating pinoproseso ang mga gayong kategorya ng impormasyon sa
paraang ginawang anonymous at walang data na nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan ang
kailanmang kinukuha sa Mobile Device ng User.
3.3. Sumasang-ayon ang user na ang impormasyong kinokolekta at pinoproseso alinsunod sa Sugnay 3.1
ay gagamitin para suriin ang solvency at interes ng User sa pagkuha ng mga serbisyong pinansyal.
Sumasang-ayon ang User na ang gayong pagsusuri, hindi ang pinagbabatayang data, ang ibubunyag
sa kliyente ng pinansyal na institusyon kung saan ang nag-apply ang User para sa pinansyal na serbisyo
alinsunod sa Patakaran sa Privacy na ina-update pana-panahon.
3.4 Kakalkulahin nang tapat ng CredoLab ang solvency at interes ng User sa pagkkuha ng mga serbisyong
pinansyal alinsunod sa proprietary na metodolohiya. Gayunpaman, hindi nagbibigay ang CredoLab ng
mga pinansyal na serbisyo, at ginagawa ang pagpapasiyang magbigay ng pinansyal na serbisyo ng
nauugnay na pinansyal na institusyon sa sarili nitong pagpapasiya, hindi mananagot ang Credo sa
anumang kaganapan para sa mga pagpapasiya ng pinansyal na institusyon sa pag-apruba o pagtanggi
sa anumang pinansyal na tulong o serbisyo na hiniling ng User.
4. Mga Update
4.1. Pana-panahon, maaaring bumuo at mag-alok ang CredoLab sa Mga Usen ng Update sa Mobile
Application na nagbibigay-daan sa pagpapahusay ng kalidad ng mga serbisyo at ang katumpakan ng
mga pagtatantiyang tinanggap. May karapatan ang CredoLab na hindi suportahan ang mga lumang
bersyon ng Mobile Application hangga't naabisuhan ang Mga User nang kahit man lang 30 (tatlumpung)
araw bago ang pagtatapos ng suporta. KINIKILALA NG USER AT SUMASANG-AYON NA KAPAG
TINANGGIHAN NIYA ANG PAG-INSTALL AT PAGGAMIT SA UPDATE NA INIALOK NG CREDOLAB,
MAAARING WAKASAN ANG SUPORTA SA KANIYANG BERSYON NG MOBILE APPLICATION AT
ANG PATULOY NA PAGGAMIT SA MOBILE APPLICATION PARA SA NILALAYONG GAMIT NITO
AY MAAARING MAGING IMPOSIBLE, HABANG AABISUHAN NG CREDOLAB ANG USER SA
PARAANG BINABANGGIT SA KASUNDUANG ITO.
4.2 Kapag nag-i-install ng mga update sa Mobile Application, maaaring magbago ang mga termino ng
Kasunduang ito o Mga Naka-link na Dokumento, at aabisuhan ang User. ANG PAG-INSTALL AT
PAGGAMI NG MGA UPDATE SA MOBILE APPLICATION AY NANGANGAHULUGANG ANG
PAGPAYAG AT PAGTANGGAP NANG WALANG KUNDISYON NG USER NG LAHAT NG MGA
TERMINO NG KASUNDUAN AT ANG MGA NAUUGNAY NA DOKUMENTO NA ANGKOP SA MOBILE
APPLICATION SA BERSYONG NA-UPDATE.
5. Mga Hakbang na Proteksyon
5.1 Ia-access ng CredoLab ang data ng User at poprotektahan ang gayong data at impormasyong
ginawang anonymous alinsunod sa anumang mga hakbang na proteksyong itinakda sa Patakaran sa
Privacy.
6. Limitasyon ng pananagutan
6.1. Walang pananatugan ang CredoLab para sa iligal at iba pang mga pagkilos ng User o mga ikatlong
partido, kung bilang resulta, nagkaroon ng walang pahintulot na pag-access sa nabanggit na data at
impormasyong ginawang anonymous tungkol sa User na laman ng Mobile Device na ito.
6.2. Kinikilala at sumasang-ayon ang User na ang paggamit ng Mobile Application ay hindi naggagarantiya
sa User ng pagtatapos sa mga kontrata para sa probisyon ng mga pinansyal na serbisyo sa Mga
Institusyong Pinansyal, at hindi rin ito naggagarantiya ng pagbibigay sa User ng pinahusay na o
espesyal na mga kundisyon para sa pagtatapos ng mga nabanggit na kontrata. Ang pagtanggap ng
pinal na desisyon sa pagtatapos ng mga kontrata sa probisyon ng mga serbisyong pinansyal sa User
batay sa tinanggap na data mula sa CredoLab ay tinatanggap ng Mga User sa sarili nilang kagustuhan
at sa kanilang interes. Walang pananagutan ang CredoLab sa User para sa posibleng pagtanggi ng
mga ikatlang partido - Mga Institusyong Pinansyal sa pagbibigay o pag-aalok ng mga serbisyong
pinansyal sa mga terminong hindi ganap na nakakatugon sa mga inaasahan ng User.
6.3. Ganap na awtomatiko ang pagsusuri ng solvency ng User, gayundin ang pagsusuri sa interes ng User
sa pagtanggap ng mga serbisyong pinansyal anumang oras habang ginagamit ang Mobile
Application. Hindi ginagarantiyahan ng CredoLab ang User sa pagtanggap ng anuman partikular na
resulta ng pagsusuri sa solvency at walang pananagutan para sa resultang makukuha anumang oras
sa panahon ng paggamit sa Mobile Application.
6.4. Nauunawaan ng User at sumasang-ayon na ang Mobile Application ay ibinigay sa batayang "as
is". Hindi ginagarantiyahan ng CredoLab ang mga resulta ng paggamit nito, malibang hagayang
inilalaan ng Kasunduang ito. Hindi rin ginagarantiyahan ng CredoLab na patuloy na gagana ang Mobile
Application, nang walang mga teknikal na pagkasira at error, at na ang mga resulta ng paggana ay
ganap na makakatugon sa mga inaasahan ng User.
6.5. Walang pananagutan ang CredoLab para sa direkta o di-direktang mga kahihinatnan ng paggamit sa
Mobile Application, gayundin sa pinsalang idudulot sa User o mga ikatlong partido bilang resulta ng
paggamit, di-paggamit, o kawalang kakayahang gamitin ang Mobile Application o ang mga indibidwal
na function nito, kabilang ang dahil sa mga posibleng error o pagkabigo sa paggana ng Mobile
Application. Walang pananagutan ang CredoLab para sa mga nagreresultang pinsala, tulad ng kawalan
ng mga kita o iba pang mga di-direktang pinsala may kaugnayan sa paggamit ng User sa Mobile
Application.
6.6. Walang pananagutan ang mga partido sa ganap o bahagyang di-pagganap ng mga obligasyon sa iilalim
ng Kasunduan, kung saan ang mga gayong pagkabigo ay resulta ng mga pangyayaring di-maiiwasan
(force majeure) na labas sa kakayahan ng mga ikatlong partido, kabilang ang mga pagkilos na
pagbabawal ng mga awtoridad, mga pagkasira sa telecommunication at mga electrical network, mga
program, gayundin ang hindi patas na mga pagkilos ng ikatlong partido na naglalayong makakuha ng
walang pahintulot na access o pag-disable sa software at / o software equipment ng CredoLab o User.
7. Mga Notification at abiso
7.1. Sumasang-ayon at tinatanggap ng User na ipapadala ng CredoLab sa User ang lanat ng mga
mahahalagang abiso at mga abiso sa pagpapatupad ng Kasunduang ito sa anyong elektroniko, kabilang
ang ngunit hindi limitado sa anyo ng pag-push – mga notification sa Mobile Device.
7.2. Malibang hindi inilalaan sa Kasunduang ito, ipapaalam sa User ang lahat ng mga kaganapan o pagkilos
na legal na mahalaga nang kahit man lang 10 araw bago ang petsa ng pangyayari ng legal na
kaganapan o sa paggawa ng pagkilos.
8. Termino, Pagbagago, at Pagtatapos ng Kasunduan.
8.1. May karapatan ang CredoLab anumang oras na gumawa ng mga pagbabago o mga karagdagan sa
Kasunduan o Mga Nauugnay na Dokumento na ipapaalam ng CredoLab sa User nang kahit man lang
10 (sampung) araw bago ipatupad ang gayong mga pagbabago o karagdagan.
8.2. Maaaring tapusin ng User ang Kasunduang ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-alis ng Mobile
Application sa Mobile device. Gayunpaman, maaaring magpatuloy ang CredoLab na gamitin ang
impormasyong wala sa device na ipinadala dito para ipatupad at pahusayin ang functionality ng Mobile
Application, nang hanggang [tatlong] taon, malibang hilingin ng User sa CredoLab na i-delete ang
kaniyang impormasyon sa mas maagang petsa.
8.3. May karapatan ang CredoLab na tanggihan nang mag-isa na isagawa ang Kasunduan at wakasan ang
suporta sa Mobile application ng User sa mga kasong inilalaan sa Mga Sugnay 2.1(g), o 4.2 ng
Kasunduan, at kapag tumanggi ang User sa pagbibigay ng access sa anumang mahalagang mga
pinagmumulan ng data tulad ng tinutukoy sa Sugnay 3.2 ng Kasunduang ito. Bilang karagdagan, may
karapatan ang CredoLab na tanggihan nang mag-isa na isagawa ang Kasunduan at wakasan ang
suporta sa kopya ng Mobile Applicatio ng User kapag nagkaroon ng anumang paglabag ang user sa
mga termino ng Kasunduang ito Mga Nauugnay na Dokumento.
9. Mga Panghuling Probisyon
9.1. Kung ipagpapalagay na ang isa o higit pa sa mga probisyon ng Kasunduan ay hindi valid alinsunod sa
nakatatag na pamamaraan alinsunod sa pinasok na ipinapatupad na hudisyal na pasiya, mananatiling
ipinapatupad ang natitirang bahagi ng Kasunduan at ang Mga Partido ay patuloy na isasagwa ang
kanilang mga pananagutan sa paraang pinakaangkop sa mga layunin ng Mga Partido sa panahon ng
pagtatapos o pagbabago sa Kasunduang ito.
9.2. Pamamahalaan ang Kasunduang ito at ipagpapalagay alinsunod sa mga batas, at sa nauugnay na mga
karagdagang probisyong itinakda sa Bahagi 1(a) ng Annex.
9.3 Kapag nagkaroon ng anumang pagtatalo, kontrobersya o claim na nagmumula sa o nauugnay sa
Kasunduang ito, walang Partido ang magsasagawa ng anumang pag-ayos sa pagtatalo malibang
nagsagawa ng mga resonableng pagsisikap ang Mga Partido na ayusin ang gayon sa pamamagitan ng
mediation nang matapat alinsunod sa mga tuntuning itinakda sa Bahagi 2 ng Annex. Kung hindi
posibleng ayusin ang pagtatalo sa pagitan ng Mga Partido sa pamamagitan ng mediation sa loob ng
animnapung (60) araw sa kalendaryo mula sa pagtanggap ng nakasulat na claim ng isang Partido sa
isa pang Partido, alinman sa Partido ang maaaring tumuloy sa mga legal na paglilitis sa korte tulad ng
itinakda sa Bahagi 3 ng Annex.
10. Mga pagsangguni sa mga kasalukuyang Anex sa Kasunduan
Mga regulasyon sa pagproses at proteksyon ng persona na data
Pagsangguni sa mga nakaraang bersyon ng Kasunduan at mga nauugnay na dokumento
Annex
Para sa mga user sa Pilipinas
Bahagi 1(a)
Nangangahulugan ang Teritoryo bilang ang Republika ng Pilipinas.
Pamamahalaan ang Kasunduang ito at ipagpapalagay alinsunod sa Batas ng Pilipinas.
Bahagi 1(b)
Ang naaangkop na proteksyon sa data ay ang Data Privacy Act of 2012.
Bahagi 2(b)
May karapatan ang User na tanungin ang CredoLab tungkol sa data na pinoproseso ng CredoLab tungkol sa
User, ang layunin at kung para saan ang pagproseso, at magbigay ng impormasyon kung kanino namin ito
ibinabahagi. May karapatan ang User na hilingin sa CredoLab na i-update, o i-delete (ipinagpapalagay na
hindi ito makakaapekto sa mga serbisyo ng CredoLab na ibinibigay sa User) ang data ng User anumang
oras. Pakitandaan na maaaring tanggihan ng CredoLab ang mga kahilingan na magsasapanganib sa
privacy ng iba o hindi resonable o paulit-ulit, o kung mangangailangan ng pagsisikap na labis-labis. Malibang
hilingin ng User sa amin na i-dielete ang kaniyang data, pakitandaan na maaaring itago ng CredoLab ang
data ng User pagkaraang huminto ng User sa pagiging user (ngunit karaniwang itinatago ng CredoLab ang
data ng User nang hindi tatagal sa kinakailangan ayon sa mga layunin kung bakit kinolketa ang data at sa
lahat ng pagkakataon, hindi lalampas ng 3]taon. May karapatan ang User na asahan ang CredoLab na
protektahan ang data ng User at panatilihin itong ligtas. Nagsusumikap ang CredoLab para protektahan ang
CredoLab at ang mga user nito mula sa walang pahintulot na pag-access sa o walang pahintulot na
pagbabago, pagbubunyag, o pagsira ng impormasyon na hawak ng CredoLab. Sa partikular: Sumusunod
ang CredoLab sa Kasunduang ito at sa Patakaran sa Privacy sa lahat ng oras may kaugnayan sa lahat ng
data na kinokolekta ng CredoLab mula sa User; nililimitahan ng CredoLab ang paggamit at pagbubunyag ng
data ng User, at nagsusumikap para masiguro na ang sinumang pinagbabahagian ng CredoLab ng gayong
impormasyon ay tatratuhin nang may privacy at seguridad na para dito; at ipinapatupad ng CredoLab ang
tinatanggap sa industriyang pisikal, teknikal, at administratibong mga kasanayan para maingatan at masecure
ang impormasyong kinokolekta nito. Kapag naaangkop, may karapatan ang User na magsampa ng
reklamo sa National Privacy Commission para sa paglabag sa Data Privacy Act of 2012 na ginawa ng
CredoLab.
Bahagi 3(b)
Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa Kasunduang ito o anumang nasa itaas, pakiemail
kami sa privacypolicy@credolab.com.
Maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa: CredoLab Pte. Ltd, #12-01 Capital Tower, 168 Robinson Road,
Singapore 068912.